Date:
Saturday, March 29, 2008
Time: 5:58 PM
UPDATED! At last. :)
Hello guys! Tagalog mode ako ngayon. Nakakatamad mag-english eh. Wala ako sa mood. Hahaha! Sorry pala kung ngayon lang ulit ako naka pag-update. Busy talaga sa graduation practice eh. Alam niyo guys, hindi ko parin maisip na magcocollege na ako. Waaaa! Nung kailan lang, musmos pa lang ako. Ngayon, future ko na ang iisipin ko. Lol. Malapit na talaga ang graduation namin. Mamimiss ko talaga mga classmates ko, sobra! At alam niyo ba, kailangan ko pang i-memorize yung salutatorian speech ko?! Eh, hindi pa nga binibigay sa akin ng adviser namin eh. Paano ko un i-mememorize?? Papahirapan talaga ako. Hmp! Everyday practice kame last week. Pero after practice, nasa mall lang. Lakwatcha! Hahaha. Ang sarap ng buhay na ganun nuh? Adik na ako sa arcade. Makahawa kase yung mga classmates ko. Nauubos agad pera ko kung nakakapunta ako kung saan nag-aarcade. Ang hirap, butas lage bulsa ko. Hehehe. Pero ayos lang. Sobrang enjoy naman. Nakakaadik ung basketball dun. Collect ng collect kame ng tickets. Hahaha! Makaloka talaga. Sorry sa mga hindi nakakaintindi ng tagalog ah? Makapagod talaga kase magsalita ng english ngayon. Lolness ^^ Bukas ko pa makukuha ang aking speech. Take note, Sunday bukas ah. Tapos aalis nanaman ako ng bahay. Makatamad talaga! Sige, hanggang dito na lang muna. Ingat kayo! n_____n
|